Sa pag lalakbay ng mag aama sa kasukalan, kanilang binaybay ang daan na itinuro sa kanila ng Kapre. Sila ay nag tungo sa teritoryo ng mga asong Alulong. Ang mag aama ay nakipagbaka sa mga mapaglarong asong Alulong. Kanilang nasaksihan ang seremonya ng mga Tikbalang.
Lumitaw ang Bayawak na apoy na hagad.
Nakita nila kung papaano sumapi ang Paniking Wak-Wak sa mga baboy damo.
Samantala, iniligaw si Jose ng mga Diwatang Gaya-gaya (Elves) na nakatira sa pulang bato. Siya ay napaglaruan hanggang nakapaglakbay sa engkantong kaharian.
Naging kaibigan ni Pedro ang mga Hada-Luningning (water fairy) na nakatira sa babayin ng lagusan ng batis kung saan ay lumitaw ang Engkantadong Agaw Diwa na nag lahad ng lihim ni Carlota.
Si Engkantada Brujaei ay kanilang nasaksihan na nagseseremonya sa hangin na humihingi ng ulan.
Ang mga Kabanata:
Kabanata 1 Ang mga asong alulong.
Kabanata 2 Ang mga tikbalang at ang bayawak na apoy.