Ito'y isang maikling dula na isinulat ko noong panahon ni Marcos, pero ang ginawa ko ay dinagdagan ko ang mga nangyayari ngayon tungkol kay Duterte, ang bagong presidente. Ngunit ang relebansya nitong dula ay pare-pareho sa nangyayari sa buong mundo, na ang taong ordinaryo ay napipilitan maging pulitiko, maski na hindi niya gusto, dahil, ayon sa ating martir nitong dula, Pinoy lang siya at nakikisama lang sa mga kaibigan. Pero sa mga ibang tao, hindi maari iyan dahil sa ganoon, anarkista ang labas mo.