Ang epikong tula na ito na kinikilala ko bilang "anti-tula" ay isinulat sa rurok ng aking inspirasyon. Ang tinutukoy ko bilang "agos" ay dahil ang inspirasyon ay sadyang dumaloy mula sa aking hindi-malay kasabay sa aking kamalayan. Dumaloy lang ito tulad ng "stream of consciousness" ni James Joyce, o ang monologo ni Lucky sa dulaang Waiting for Godot ni Samuel Beckett.. Ang "prefix" na anti ay dahil hindi ito tumutugma sa tradisyonal na epikong tula: walang ritmo, walang katuturan, walang dahilan.