Siya si Ronalyn Cruz. Isang call center agent na iginapang ang sarili mag isa. Pero bago siya naging si Rona, siya muna si Angel Joy Albana., ang dalagitang pinalayas ni Alissandro De Marco, ang bunsong anak na lalaki ng mag asawang kumupkop sa kanya.
Nangako si Ronalyn na gugugulin ang ang lilipas na mga taon sa pagpapayaman. Kung mayroon man siyang isinumpa nang umalis siya sa poder ng mga De Marco iyon ay yong hindi siya babalik sa buhay ng mga ito hanggang wala pa siyang napapatunayan.
Huli na nang marealize ni Rona na habang kinukumbinsi niya si Erin tungkol sa relasyon nila ni Alissandro, mabilis naman siyang nahuhulog dito. Paano na ngayong maliban sa alam niyang monster pa rin ang tingin sa kanya ni Alissandro, bumalik pa si Monica, ang babaeng dahilan kung bakit siya pinaalis noon ng binata?