Ang Uyayi ng Himagsik ay kalipunan ng mga makabayang tula na nagsasalamin ng mga karanasan ng may-akda bilang isang aktibong kalahok sa Pambansa Demokratikong pakikibaka.
Bakas na bakas ang diwang palaban ng may-akda sa kaniyang panulaan. Bunsod marahil ito ng kaniyang malawak na karanasan sa larangan ng legal na pakikibaka sa Isla ng Panay.
Hindi rin maikakaila ang taglay na optimismo ng may-akda para sa kaniyang ipinaglalaban. Sa di iilang mga tula sa Uyayi ng Himagsik, lagi at lagi itong tinatapos ni G. Calaor sa pananagumpay ng kaniyang adhikain.
-- Mula sa: Paghehele ng Isang Makata, Pagsusuri sa Uyayi ng Himagsik