Madaling sabihin na bayani ang nanay o tatay natin kasi OFWs sila. Pero may idea ba talaga tayo kung anong hirap ang pinagdadaanan nila mula pa lang sa pag pirma ng contract?
Sila lang ba ang bayani pag umaalis? Hindi ba't tayong mga anak ay nagsasakripisyo din? Ang lumaki na walang magulang sa tabi, hindi madali.
Ang librong ito ay isinulat na may dalawang perspective: mula sa naiwang anak ng mga OFWs na magulang, at ang parehong anak na sa katagalan ay naging OFW din at nalaman ang totoong buhay ng isang OFW.